Reminder: The letter that you are about to read was a letter I wrote for my good friend, Oly. I was just telling him what happened tonight because it involved his friends and his friends' friends. I found this letter to be very accurate and that is why I'm posting it in my blog. We've decided that we should post the letter in Tagalog since I find it to be more effective. If you would like to read this post in English, click here. We encourage all our readers to comment on it this matter. So if you are against business staff cruelty by stupid and arrogant tourists/guests, then you'd better sit and read my story. Because this might happen to you or your loved ones. This is a real story and I think you should take the time to read it. Maraming salamat.
Hi Oly, sorry at ngayon lang ako nag-message sa iyo at sa ganitong situation mo pa ako madadatnan. Something happened here sa Lemon Pie House house na dapat mong malaman. Pumunta kasi dito yung dalawa mong friends na tumulong kasama ninyo last holy week. Isinama din nila kanina yung mga friends din nila. Yung isa nilang kasamang babaeng kulot na ang tawag namin ng friend ko ay si "Witch," na kamukha ni Anna Fegi dahil sa laki ng buhok na super sama ng ugali. Gagamit kasi siya ng bathroom at nandoon sa loob yung anak ng may-ari at naliligo. Narinig syempre niya na may naliligo sa loob at parang meron pang washing machine na umiikot. So tinanong ako ni Anna Fegi (not her real name) kung may tao sa loob. Chineck ko, meron nga. So sinabi ko na meron ngang tao at naliligo. Tinanong nya kung merong washing machine sa loob ng bathroom, sabi ko meron. Tapos yung babae, parang baliw na umupo malapit sa banyo tapos sumigaw sa kaibigan niya ng "meron pang taong naliligo sa loob ng banyo!!!" Kapag may naliligo, dapat naisip niya na baka owner or anak ng nakatira sa Lemon Pie House yung naliligo. Pero hindi eh, hindi siya nahiya at isinigaw pa na merong taong naliligo. So, pinalagpas lang namin. Until they came back that night.
Bumalik yung friends mo that night with their friends kasama yung witch. Nagkataon naman na napakaraming tao sa shop at hindi sinasadyang nagkamali kami ng order. So hindi naluto agad yung pagkain nila. I admitted naman about my mistake and that we had some misunderstanding about the order kaya nagkamali kami na isinorry ko naman sa friends mo at sa mga friends na kasama niya. Eto pa ang nakakatawang eksena. Isipin mo ba namang magrequest ng bacon si witch, at meron isa pang nagrequest ng boiled egg na wala naman sa menu? Pati Coke with ICE??? Para namang merong supplier ng yelo sa Sagada. At hindi ba nila naisip na kailangan ng isa pang kaldero at extra stove to boil a single egg? Anyway, so pinalampas ko na lang yun at sinabi kong wala kaming ganon. So okay na kami sana. Sobrang busy ko sa counter nun kasi sobrang dami ng customers na sabay sabay pumasok sa shop, tapos nag-iisa lang ako sa counter. Yung mga kasama ko kasi, busy sa pagluluto sa kusina. Ako lang ang kumukuha ng orders ng customers, ako ang nagseserve ng drinks, ako ang naglalagay ng pies sa boxes, at ako pa rin ang nag-wewelcome sa mga pumapasok at lumalabas ng shop. Bigla ba namang nagparinig na naman si Witch ng pagkalakas-lakas na "Ang waiter ba ang lalapit sa atin o tayo pa ang lalapit sa kanya?" Nainis na ako at sinabihan ko agad siya ng "Sandali lang po ha. Busy kasi. Sobrang dami ng tao at hindi lang ikaw ang customer dito!" Bigla siyang natahimik. Maya-maya lang, lumapit sa akin yung anak ng may-ari. Sabi niya sa akin, may galit daw na customer at hindi raw naluto ang order nila. Sobrang dami kong ginagawa noon kaya hindi ko nagawang icheck kung ano talaga ang nangyari. Yun pala, nung malaman ng mga friends ng friends mo na hindi pa pala naluto ang kanilang order at maghihintay na naman sila ng matagal, yung isang babaeng maikli ang buhok at mukhang tomboy, sumugod pala sa loob ng kitchen, which happened to be a restricted area by the way. Dinuro-duro ba naman sabay sinigawan yung anak ng owner ng shop at yung friend ko ng "I will eat the two of you if you don't finish cooking the food in 5 minutes!" Mantakin mo? Pagkain lang ang binabayaran nila, tapos kung magsalita ang mga iyon sa mga staff, ganon ganon na lang. Akala mo pati buhay namin binayaran? Wala na ngang binigay na tip, tapos gaganituhin pa kami ng mga ito? Hindi naman kami humihingi ng tip kasi alam naman namin na mali ang nagawa namin at inihingi namin ng paumahin iyon sa kanila. Pero hindi rason yun para tratuhin nila ng ganoon ang mga kaibigan ko. Hindi pa natuwa si T-Bird. Bumalik pa uli after 3 minutes sabay sigaw ng "2 MINUTES!!!"
After magbayad ng friends mo ng bill nila, umalis na agad yung mga kasama nila at sumakay agad sa loob ng van. Parang nagmamadali. Hindi nga tinapos yung mga pagkain. Yung friends mo naman, naiwan at humihingi ng paumahin dahil sa ugali ng mga kasama nila. Nagtanong sila kung puwede silang magpareserve for breakfast bukas. Nung maoverheard ng friend ko na magpapareserve daw sila uli ng breakfast, hindi na napigilan ng friend ko na sabihin kung ano ang ginawa sa kanila sa loob ng kitchen nung babaeng mukhang tomboy. Noon ko lang nalaman na ganon pala ang ginawa nila. So sabi ko sa friends mo na hahabulin ko at susugurin ko yung mga friends nila sa van dahil hindi maganda ang inasal nila. Na maling mali sila. Pinipigilan nga ako ng friends mo at sinabi nila na pabayaan ko na lang daw. Pero nakita ko na apektado talaga yung kaibigan ko. Kaya sinugod ko sila sa van nila sa labas at sinabi kong "Sorry po, alam namin na we've made a mistake and we've said we were sorry about that. Pero it's no reason for you to treat my friends like that! You cannot tell my friends that you're going to eat them! We're working for them for free so technically, we're not their employees, so we can say anything we want. You cannot act like that kasi maling mali yan!"
Wala silang nasabi after I've said those words to them. Nung makita kong wala silang masabi sa akin, then I've decided to come back inside the shop. Nag-sorry ako sa friends mo. I told them that I was sorry for talking to them like that pero hindi ako papayag na magsasalita sila ng ganon sa mga friends ko and just run away and get away with it. Hindi pwede sa akin iyon talaga. Tinitry idepensa ng friends mo ang mga friends nila pero we were so upset on how we were treated. Pagkatapos nilang lumabas, sabay pasok ng driver at mga guides na kasama ng grupo. Tinanong nung driver kung ano raw ang nangyari. So pinaliwanag ko ng buong-buo kung ano ang inasal nila sa mga kaibigan ko. At pati sila rin pala, masakit na ang ulo maghapon dahil daw sa grupong yun. Sinabihan nila ako na pagpasensiyahan ko na lang daw sila. Pasalamat na lang ang mga iyon at hindi ako taga-roon, pero kung nagkataong taga-Sagada ang ginanon nila, maari silang mapalayas sa tinutuluyan nila at wala nang tatanggap na inn sa kanila. Buti na lang yung anak ng may-ari, tahimik lang at mabait kaya hindi na nagsalita. Later that night, nalaman ko from a very reliable source na pati mga taga-Rock Farm, kung saan pala tumutuloy ang mga guests na iyon, na masisiraan na raw sila ng bait dahil sa sobrang pagka-demanding ng mga bisitang iyon. Lalung lalo na yung babaeng mataba ang buhok na kamukha ni Anna Fegi.
Anyway, I will blog about this sa blog ko and I will also share this story to the rest of the country para malaman nila kung gaano kababastos ang mga kasama ng friends mo. Your friend's friends are free to leave a comment sa Lemon Pie House blog and I will never delete their comments and I will answer every complaint that they will make. Besides, just like what i've told everyone before. We're just helping out sa shop. We're not getting paid. So technically, we're not their employees and we can say and do anything we want. Kapag nagreklamo ang mga guests sa amin, sa amin sila magreklamo, at wala kaming kinalaman sa LPH. Sorry, sobrang haba ng sulat ko. I'm only venting out my frustration.
28 comments:
let it be known that in every business establishment,employees have the right to do their duties without threat from customers who demonstrate inappropriate behaviour..in line with these, such challenging situation only requires calm approach by simple telling arogant customers to leave the premises or rather ring the police on duty...
Grabe naman yang mga yan. Pinoy ba yang mga yan? I can't think that a Filipino can be that rude.
horrible horrible guests...sorry ha pero pansin ko sa mga taga big city na pumupunta sa sagada, kung umasta kala mo kung sinong entitled sa ganito at ganyan...sana magets nila na iba ang country living...relax lang...pero yung asa kuwento mo, ibang level!! ang yayabang!!!
"Without respect, what is there to distinguish men from beasts?" - Confucius
We Sagadans are a humble people. We give due respect to our fellowman and we assist those in need with what we have. Let this be a lesson to all tourists coming to our hometown. Please, the people in Sagada are trying to make a living by sharing what Sagada has to offer; don't be an ass, why not for this time, drop your ego and just simply respect and appreciate this peace loving town.
Bob Marley did sing, "If you get down and quarrel everyday, you're saying prayers to the devil, I say."
"Without respect, what is there to distinguish men from beasts?" - Confucius
We Sagadans are a humble people. We give due respect to our fellowman and we assist those in need with what we have. Let this be a lesson to all tourists coming to our hometown. Please, the people in Sagada are trying to make a living by sharing what Sagada has to offer; don't be an ass, why not for this time, drop your ego and just simply respect and appreciate this peace loving town.
Bob Marley did sing, "If you get down and quarrel everyday, you're saying prayers to the devil, I say."
Sa sobrang sama ng ugali nyan. ako ang nahihiya sa inasal ng witch na yan at yung t-bird.
tama lang na sinabihan mo sila sir wencel.
hi wencel just read your pm to me and this blog... hahaha bakit name ko lang naka post? kung gusto mu i'll forward this to my friends, para malaman nila namay kasama silang "witch"?
i'll call my (2) friends regarding this incident.
now i'm missing sagada and lemon pie, blueberry pie at kape!
regards kay manong joe, jeff atbp
PS
Rocky and I will want to see Sagada by December with our Baby Audrey! Gawis!
How can somebody be that arrogant? and so demanding.. so true.. parang hindi Pinoy..
wow ano ba akala nila sa mga sarili nila? matataas na uri ng tao? nakakahiya ang mga taong ganyan hindi napalaki ng magulang nang maayos.
they should be declared persona non grata jan sa sagada! itrack ang names sa record book ng municipal hall para di na yan mga makabalik! dun na lang sila dapat sa bora makisama sa mga ilang pasosyal at paimportanteng tao doon!
Anonymous, customers have the right to complaint but not in a harsh and hostile manner. We will get this issue straight to the people involved, and all abused business establishment employees will win on this.
Kaiz, Sad to say, mga Pinoy sila. Napapansin ko lang na mas marami pa ngang mga Pinoy ang mga maaarte at highly demanding na customers. I hope this will teach them a lesson that they will learn.
K. Fox, Maraming taga-big cities ang maaarte, pero marami rin sa kanila ang magagalang at maayos kausap. Nagkataon lang na we found ourselves the worst customers ever, at siyempre, hindi ako papayag na aalis na lang sila ng ganun-ganon na lamang.
Blackman, yes, that makes those people nothing different from beasts. The reason I was welcomed with open arms in Sagada was because I was also respectful to the people and the culture. Thank you for your comment.
Guest108, Salamat at nabisita mo ang blog ko. Yes, minsan tayo tayo na rin ang nahihiya sa masamang ginagawa ng kapwa natin.
Oly, Hindi ka naman kasi kasama sa eksena kaya no need to change your name naman. Yes, yun ang gusto naming gawin nila, na malaman nila ang kamalian nila at humingi sila ng paumanhin sa mga taong naargabiyado nila. Mabuti na lang at hindi sila pinalayas sa tinutuluyan nila. Mabait pa rin ang mga taga-Sagada sa kanila sa kabila ng masasamang ugaling pinakita nila. PS din. Excited to see your first child.
Cherrey, They were so demanding and so arrogant na inisip na lang namin na nababaliw sila.
Jizzy, You spell their names and you get the words WITCH and RUDE.
Dennis, Persona Non Grata nga dapat silang maideklara. Don't worry, hindi pa tapos ang laban. :)
Nasobrahan sa yabang..kalo mo kung sino... dapat inisip nila nasa ibang teretoryo sila.. kung sa iba nila nagawa yan baka kung anu na nangyari sila... inismock mo sana...hehehe...
,kuya wencel,,natawa ako nang sabihin ng Korean friend mo kanina na"i was supposed to say,yes you can eat me,besides,im sweet..but i controlled myself",,,ahahaha..grabe sina witch at T-bird..hindi na sila nahiya,,kala mo kung sino!!!!!
Ganun talaga bff, minsan kung anong hitsura, siya din ang ugali eh. I pity those creatures, maybe they were just born (inire lang) then pinabayaan na sa mga yaya ng mga bisi-bisihan nilang mga magulang. tsk tsk tsk...kaya they seen to make things difficult for people that they meet who are perfect and living in peace (like the family of LPH and people of Sagada). And yes, baliw yung mga yun. Who knows, baka they are being tied in strait jackets pag umuuwi sila sa bahay nila, nakakaawa din naman :D Kaya pagpasa-Diyos mo na lang ang mga yan. I promise, you will earn justice without lifting a finger. Hindi magtatagal, may makakatapat sila sa ibang lugar na dadayuhin nila. I'm so proud of you bff.
What rude people....man if it was me, just show them the door and see there sorry asses out!!!!!
just because you are a guest or a tourist doesn't mean that you are now a higher organism in the food chain, but by the look of it, by the way they acted, they don't even deserve to be called animals, hell if there is was a word to describe something that is lowest to the low, lower than planktons and $#!7...that would be it. it just goes to show how primitive and insolent they are.
be thankful that head hunting is not practiced anymore 'cause if it was,well they'd be the first on my list.
one way or another, their actions' consequences will soon return to them ten folds!!!(karma bitches!!!)
*just in case more costumers act this way, don't be afraid to speak your concern as long as you are right because no man has the right or even the privilege to act like an ass.
MATGOTAGO TAKO AM-IN...
Di pwede sa akin yan. Tahimik ako at hahayaan ko silang mag-asal hayop pero di pwedeng di ako gaganti. Dinuraan mo sana yong pagkain nila.
sobra ketdi ti anos yo, inaramid yo kuma isuda nga itag tapno naisagpaw ti pinikpikan....hahahahaha
Commenting in a harsh way is not a great help for this incident,teach them a lesson by inviting them again on our beloved hometown (show them the Igorot ettiquette)... Its a sad story though but we need to uplift our morale by not commenting in a barbaric way..
Invite them,dine with them with arabica cofi and pinikpikan..
)sweet revenge(
waaahhhhh!!! hindi ako snob haha :))
sorry off topic to lol
Kaaammeng ay agew tako am-in. :-)
Ine, datusa'y bisita'y mamaslat et adon problema da sunga makakaliget da; pailaan tako iman is bassit ay seg-ang. Adi yo kasapsape nan kead; ya baka agaan pay datusa sunga no mabalin et adi yo patpatulan, wen? hehe...
Nu adjan dan idja yo ay makan, anapen yo sak-en ta uray okak; kawas adi nu aped you ited is keg datusa'y ipugaw. Nu adjan dan kama'y maseypan, et ay dat pabal-en baw daida ta id dega da'y maseyep... haha... Nu kayten dan boksing, kanan yo kod ta aygak nan besat ko'y professional boxer et menpalaktisana... ahahahaha....
Seket ya bisito para isnan kakailian... :-) :-)
Adi tako bokodan di gawis.
Ipey-as nan gawis.
Matagotago tako am-in.
Ke ginawa to towards Sagadians or not, they must be banned. Pero wait, there is more, maybe we can hear their side kung bakit ganun ang nangyari. I've known you shortly when I was in Sagada and you're uber nice and so is the pie and tea! I always enjoy going there. To be fair though, let's hear their side and I hope na matapos sya with everyone happy!
World peace...
Annalyn Lopez
Imagine mag hintay ka ng isang oras to Find out hindi pala naluto order Mo, kahit siguro ako magagalit din. Pero hindi pa rin reason yun para hiyain kayo ni tbird. Tapos mag hire din kayo ng maraming staff kasi mahina din service nio.
OMG! i would say na may kaartehan rin ako when it comes to dining, but nilalagay ko naman sa lugar ang arte ko. we were in Sagada last January and nagpunta pa kame sa Lemon Pie House ng January 31 ata yun, service is good..we actually came back the next morning kaso closed pa..for those who were acting like animals, pambihira! magkaron naman kayo ng kahihiyan!, dito nga sa Makati, yun mga food chains, andami ng crew pero may mga times pa rin that you have to wait for your food, kahit pa most of them prepared na. sana naisip man lang nila na sa Sagada, yun mga food hindi naman katulad sa City na lulutuin na lang or ipa-pack na lang, they have to understand na pag order tsaka pa lang din pini-prepare yun food. another thing, if you really want to eat something special dapat you're willing to wait, and kung di makapaghintay, then just go and wag na magsalita against sa staff. "LESS TALK, LESS MISTAKE"
kung isa ako sa mga costumer dun na nakaengkwentro nun... bka tinarayan ko... ...haaayyyy buhay nga nmn... ganun cguro tinuro sa kanya sa bahay at sa skul nila...
Double K, Hindi naman siguro tamang saktan sila. For us, enough na yung masabi ko sa mismong harap nila na hindi tama ang ginawa nila. It doesn't matter where they are. They just need to learn how to respect others.
Bitoy, Sobra naman. Guests pa rin naman sila, pero after what they did, I don't think they will have the nerve to come to Sagada ever.
NMO74, Pasalamat ka at wala ka dito nung nangyari yun.
Vena, Yes, we can earn justice without lifting a finger. But I have my computer and my blog. :)
Margraff, if we were mean, yes, I would have done that. But we're not. Besides, they hit the door so fast, I was not able to tell them that. :)
Anonymous, This incident proves that customer is NOT always right.
Anonymous, I would have done that kung masama ang ugali namin but we don't want to put the business' name in jeopardy. I think telling them na masama ang ginawa nila would be enough.
Anonymous, Hindi sasarap ang Pinikpikan kung mga meat nila ang gagamitin. Promise. Mas okay kasi pag mga bata pa at magaganda ang asal. :p
Mots, Snob ka, promise. :)
Dongail, very well said.
Anonymous, We've been asking them to defend themselves, pero walang comment from them. I think that answers your question.
Pinoy666, Yes, puwede silang magalit as much as they want and they can anything they want but they don't have to be that rude and they're not even supposed to come inside the kitchen. And wala silang karapatang duro-duruin ang mga taong naglululo ng pagkain nila. They just went overboard and what they did what totally shocking.
Loraine, I'm also guilty for being a stupid customer, pero hindi ako umabot sa ganitong level. What they did was just so inexcusable.
Anonymous, No comment ako sa sinabi. Haha.
Hello! I was also with a group of friends when we visited lemon pie house 2 years ago.. I actually experienced a kinda bad slow and rude service.. not lang sure if they are the actual employees of the pie house.. pero hindi naman umabot sa ganyan ang reaction namin.. we talked about it and vent with each other then move on na.. We did not use our Media Connections even if can just to get even with the staff ng Lemon House Pie.. malamang its their pride which is talking..
For me over acting ang mga guests mu.. lets just put it this way.. they're just 5% of your total customers and the other 95% were happy with your service.. good batting average right?
And think about the effect of this to their families especially to the children (nephews and nieces) who will be most affected if this will be shown publicly in TV or in the newspapers...
>>oh yeah..tama nga naman..haha..
>>kahit naman po hindi tayo turista sa isang lugar kailangan naman po siguro natin igalang ibang tao..... >>Basta ang alam ko Masarap Lemon Pie nila..hehehe
Nakakahiya sila and I pity those people. It only shows na wala silang pinag-aralan at malaki ang problema nila sa mundo. And I would say they need a Professional PSYCHIATRIC HELP. Sana makarating sa kanila to.
Post a Comment